"Ikaw talaga Bogs! Ipinamimigay mo naman ako sa iba eh"
Yan ang mga katagang binitawan niya nung pauwi na kami. Hinatid namin ang ibang mga bisita pauwi sa kanila. Alas dos na ng umaga at katatapos lang ng birthday celebration ko. (Ganyan ako kabait, ang celebrant pa ang naghahtid sa mga bisita. haha. kaya pala marami ang nag attend, may free ride pala pauwi. parang may jeepney strike lang! hehe)
Siya si Bogs! Isa sa mga bestfriends ko. Medyo mas bata sa akin ng ilang taon pero click pa rin personalities namin. Mahiyain sa hindi niya kakilala pero makulit pag medyo ka close na niya. Boy-next door type ang looks. Balingkinitan, maputi at ang ganda ng mga mata.
Nagkakilala kami dahil nanliwagaw siya dati sa kinakapatid kong babae na parang koreana. Nung una walang ka dating2x sa akin kasi medyo bata talaga ang itsura. (Ayoko namang ma Bantay Bata 163 no!). The attraction just came recently nung medyo nag mature na din kahit konti ang itsura pati na rin personality.
-9:30 pm Birthday ko-
Napansin ko ng konti na medyo tahimik si Bogs sa isang sulok.
"Bogs! Anong problema mo?" - ang tanong ko habang kinikiliti siya.
"Bogs! medyo na out of place ako. Karamihan kasi dito, kasamahan mo sa trabaho" sagot naman niya.
Tiningnan ko siya ng matalas na nakasimangot at nakataas ang isang kilay!
"Hoi, wag kang mag inarte. Puchaks kilala mo naman lahat ng tao dito ah. May mga nagkaka crush pa nga sa'yo dito di ba?
Pagkasabi ko nun bigla akong tumalikod sandali at kinuha ang isang kaibigang babae na alam kong may gusto sa kanya...si Kreng (short for kerengkeng. haha)
Doon pala ako nagkamali.
-10:30 pm birthday ko pa din-
Tiningnan ko ang sulok kung saan umupo si Bogs at si Kreng. Aba! Mahabaging ulap at langit! Mukhang nag eenjoy na! Ang laki na ng ngisi habang hinaharot ni Kreng(take note siya lang ang hinarot. ahaha. defensive)!
Tumingin siya sa akin na para bang nararamdaman na nakatingin din ako sa kanya. Tumango lang ako. Ayokong mapapansin niya ang pagkaka inis ko at ang namumuong bagyo sa loob ng aking damdamin (parang sendong lang. hehe)
-2:00 am di ko na birthday, nasa kotse na kami pauwi-
"Oi, baba ka na, di ba gusto mong matulog sa bahay ni Kreng?" - sambit ko para inisin lang siya.
"Ikaw talaga Bogs! Ipinamimigay mo naman ako sa iba eh" sagot naman ng loko.
"Asus, gustong gusto mo na namang hinaharot ka niya eh" - paselos effect ko naman.
"Loko-loko, ikaw nga nagpapunta sa kanya di ba? Kasalanan mo kasi"
Di ako kumibo. Lalong paselos effect (kahit walang karapatan, keri lang. haha)
"Bogs! ikaw lang ang Bogs! ko. Kung magselos naman to parang ang ganda-ganda ng pinagseselosan. Eh ampangit nun Bogs!"
Katahimikan....Ayoko ko sanang tumawa ngunit nakakatawa talaga ang huling sinabi niya.
"Bwahahaha. Loko-loko. Tayo na nga, uwi na tayo" pang ayaya ko sabay batok sa kanya.
Pero pumalag.
"Tsk. Pa kiss muna sa Bogs ko!"
Pahabol nman niya na may halong pang inis at pagpapa cute.
Tumawa ako ng malakas at di pumayag...
.
.
.
.
.
.
...na hindi sa magkabilang cheeks ang kiss niya.
"Naaaks. Bango talaga ng Bogs ko ah! Happy birthday!"
Gusto kung tumabling kaya lang baka magulo pa ang pagkahabahaba kong hair. Pak!. hahaha