Wednesday, January 25, 2012

Year of the Dragon.



Preskong-presko lang na balita. Just fresh from the oven 'ika nga. Ang aga ng pagpaparamdam ng Year of the Dragon sa amin.


Mahilig kaming manood ng pamangkin at tatay ko ng basketball sa TV. Tonight happened to be Game 3 of the Talk N' Text and Powerade championship series pero dahil wala akong team (Petron fan ako), naglagi lang ako sa kwarto para mag blog.


Ang nanay ko naman ay Abs-cbn teleserye fanatic. At dahil naunahan siya sa TV ngayong gabi, naka pouting lips lang na naka upo sa gilid.


"Tang ina, bakit naman kasi di binantayan. Ang tanga-tanga niyo naman.." narinig kong sigaw ng tatay ko na parang bang may kaaway.


"Shit, oo nga tay! no ba yan...blah...blah...blah" sambit naman ng pamangkin ko.


Hindi mo na maintindihan pinagsasabi nila dahil sabay silang nagsasalita. Galit sa mga players ng basketball. Ang ingay talaga, pramis.


Here comes Enteng...este si Nanay pala...


Tick! Patay ang TV.


At nagulat ang Tatay at pamangkin ko sa biglang katahimikan.


"Ano ba naman yan para kayong mga bata. Ang iingay niyo. Hindi ko na nga nakita si Budoy dahil sa walang hiyang basketball na yan. Nalaman na kaya ng Governor na apo niya abg bata? Ano na kayang nangyari kay Richard at Dawn sa Walang Hanggan. Kung aatakehin lang din kayo sa puso dahil sa baketball na yan, mabuti pang walang manonood sa atin. at tsaka, bakit ba kayo galit na.......blahhhhhh....blah.....blahhhh." pasigaw na sermon ng nanay ko.


Sinilip ko sa sala pero biglang nagsipasukan ang tatay at pamangkin ko sa kwarto.


Bwhahahahaha. Ang iingay nyo kasi mga mokong, ayan tuloy nagising ang tunay na Dragon!


Hanggang sa katapusan ng post na ito di pa rin ako makatigil sa pag tawa. hahahaha!

No comments:

Post a Comment