Hindi ko makuhang maibigay ang aking lubos na tiwala sa kanya sa umpisa. Nagsimula kasi sa hindi magandang pangyayari ang aming unang pagkikita.
Siya si Ram.
-Flashback Summer of 2011-
Niyaya ako ng isa kong kaibigan na isa ring PLU sa kanila. Sabi niya may mga masasarap daw na "putahe". Mga bata pa raw ito at preskong presko. Labag man sa kalooban ko kasi di ako pinalaking malandi ng magulang ko (ching!), kinaya kong pumunta dahil nakakahiya naman tanggihan ang isang imbitasyon (ching na ching!)
Pagdating ko dun dumeretso agad kami sa lugar kung saan kami mag iinuman ng mga boys. Nag tsikahan muna kami ng kaibigan ko habang hinintay ang mga putahe este ka inuman pala. Di nagtagal dumating din sila. Lima as in Lima ang dumating (haaaay when it rains it pours talaga).
Tiningnan ko isa isa sa kanila. Okey lang ang itsura ng iba, kumbaga keri lang ngunit isa ang ang nag stand out...
(at tama kayo sa inyong hinala)...si Ram.
Ngunit may isang problema...type siya ng kaibigan ko! (pero mas maganda pa ako sa kanya ha. hahaha)
As expected nabighani ang mga boys sa alindog ko (parang pang bold starlet lang. haha). Isa isa nang natutumba ang mga bote ng red horse habang palalim ng palalim ang gabi. Ang mga boys naman ay pa landi ng pa landi (aphrodisiac pala ang red horse? nay geyd!). Pero tanging si Ram ang ayaw bumigay. Nasa isang sulok lang siya at di gaya ng mga kasama ay nakikitawa lang pero hindi kumakagat sa mga sinyales na binibigay namin.
Hanggang sa napagkasunduan na naming mag inuman nalang sa isang motel room at ito ang nangyari.
Ang tanging regret ko lang ay...hindi si Ram ang naging kasama ko sa langit nung gabing yun.
-Taong kasalukuyan-
Nag simula sa isang text na nasundan pa ng isang libo't isang mga text pa. Sa simula, duda ako sa naging motibo ni Ram. Casual lang ang mga messages nung una kaya lang naging maganda naman ang mga kwentuhan kalaunan. Makulit ang bata, kahit paminsan minsa kay di ko ma replayan, kursunada pa din. Sa ilang linggo naming pakikipag text, lumevel up sa tawagan hanggang sa nagkasundo kaming magkita ulit kaming dalawa lang.
Plinano ko na ang lahat na gagawin ko (hoi promise wala akong planong gawin ang kahalayan sa kanya, dalagang pilipina kaya ako. haha. defensive?). Sa pagkakataong ito, susubukan ko tingnan ang motibo sa likod ng pakikipag text, usap at kitang muli.
Nagkita kami at nagkayayaan ulit na mag inuman. Kumain muna at syempre ako ang nagbayad kasi estudyante pa naman pero nagulat ako, hinding hindi nag demand. Inorder ang pinaka value sa lahat ng value meal (plus point to). Pagkatapos kumain pumunta kami sa isang videokehan, ayaw pa rin mag demand at gusto yung pinaka murang beer. Binigyan ko ng pera para siya ang magbayad ng beer at sinuli ang sukli up to the last centavo.
Kinabukasan nung paghihiwalay namin binigay ko sa kanya ang sukli sa hotel para mag pang load at pang text pero nagalit at siya lang daw bahala sa load niya. Imperness this child is impressing me.
Akala ko yun na yung last ng communication namin pero... three months after, eto pa rin kami halas araw2x magkausap. Tinanong ko siya minsan kung ano kami pero tanging ito ang sinagot,
"'di ko alam at wala akong pakialam basta masaya ako sa iyo"
Owmaygaaad! I'm fainting ang drama ko!
Looking back, dati hindi ko makuhang maibigay ang aking lubos na tiwala sa kanya sa umpisa. Nagsimula kasi sa hindi magandang pangyayari ang aming unang pagkikita. Pero ngayon mukhang ibibigay ko na ng bonggang bonggang...
101%.
No comments:
Post a Comment