Sunday, May 1, 2011

Sulok.




Alas tres na ng umaga nung nakahanap kami ng matutulugan. Isang maliit na paupahan sa kasulok-sulukan ng bayan.


"Five hundred po pwede na sa inyong lima pero hanngang 8 am lang tayo ha"- tugon ng guard sa amin.


Lahat kami ay tila wla na sa aming mga sarili. Lasing. Pagod. at Malibog na. 


Pinasunod kami ng guard sa isang maliit na kwarto. May isang higaan na dalawa lang ang kasya at may isang foam na nilatag sa sahig. Kulang na lang rehas para maging kulungan ito. Ganun pa man din, iyon ang tamang-tama para sa kung anumang mangyayari.


Bagsak kaming lima. Nagtawanan. Pagod man ay hindi pa rin kami makatulog. Alam ko bawat isa ay may mga iniisip...bawat isa nakatingin sa ilaw at naghihintay sa kung sino man ang papatay nito, tila ito ang hudyat sa mga gustong mangyari ng lahat sa umagang iyon.


Tumayo si Ramil at pinatay ang ilaw.


Madilim. Wala kaming makita ngunit dinig na dinig mo ang bawat paghinga at tila pagbilis ng tibok ng puso nga bawat isa sa amin. 


Katahimikan. Walang kumikibo at gumagalaw. Lahat naghihintay.


Hanggang sa may humila sa kamay ko at pinatayo ako papunta sa isang sulok ng kwarto. 


Sa isang sulok na naging katuparan sa lahat ng pinaghahandaan ko sa simula pa lang ng inuman. 


  

No comments:

Post a Comment