- Kuya Kim Mode -
Alam nyo ba na may gender din ang crabs?
Sabi ng isang cooking show sa TV, masasabi mo ang gender ng isang crab sa pamamagitan ng hugis ng kanyang parang chest sa bandang ilalim ng kanyang katawan.
Lalake ito pag medyo matulis ang shape ng "chest". Ang mga lalakeng crabs ay puro laman at kulang sa taba.
Babae naman ito pag medyo oblong shaped and "chest". Ang mga babaeng crab ay sobra sa taba at kulang sa laman.
Pero eto ang matindi...
May baklang crab! Oo mga ka-assosasyon, kahit sa Crab-landia ay may kapanalig tayo doon. Bakla ang crab kung ang hugid ng chest ay in between, meaning hindi matulis pero hindi naman din bilugan/oblong, kumbaga in-between siya.
At eto ang sabi ng host in a classy accent na ikinawindang ko:
"Sa mga crabs, pinakamasarap at pinakamahal ang mga baklang crabs dahil ito ay tamang-tama sa laman at taba, kumbaga...wala ka nang hahanapin pa"
O ha... O ha... O ha.
Panalo talaga tayo mga kapanalig!
Wohoooooo!. Bwhahaha.
So sa bawat pag-akit sa mga kalalakihan, laging tandaan ang buhay ay weather-weather lang yan. Ching!
No comments:
Post a Comment