Monday, October 25, 2010

Junjun.

"Bogs!"


Nagulat ako! Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses. Sa kapal ng tao dahil sa Barangay eleksyon, di ko makita kung sino ang tumatawag sa akin.


Balita ko nagbabakasyon siya pero di pa kami nagkita. Ano na kaya itsura niya? Payatin pa rin ba siya? Ito pa rin ba ang batang parati naming niloloko at pinaiiyak ng kabarkada kong kuya niya? Maitim pa rin ba siya sa kaliligo ng ilog sa tabi ng aming lugar? Marami pa kaya siyang tigyawat sa ka babasketbol kahit maalikabok?


"Bogs!"


Lalong papalapit ang boses. Kinabahan na ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko? Alam ko na isang tanong lang ang pilit kong iniiwasan...


Naalala pa kaya niya ang isang nakaraan na hindi naman namin parehong naiintinihan?


"Bogs!"


Lumingon ako, natulala at di makapaniwala.




Ibang-iba na si Junjun.  

No comments:

Post a Comment