Tuesday, August 23, 2011

Ikaw ba ay TANGA?

Ikaw ba ay yung tipong niloko na, naghahangad ka pa na magbago siya?


Ikaw ba yung kahit alam mong pangalawa ka lang sa puso niya, pinipilit mo pa rin sarili mo sa kanya?


Ikaw ba yung nagagalit sa kanya pero pag tinext ka ng isang beses, balik ka na naman?


Ikaw ba yung bigay ng bigay lang samantalang siya naman ay tanggap ng tanggap?


Ikaw ba yung nag-aalaga sa kanya pero ok lang sayo na hanapin ka niya pag may gusto lang siya?


Ikaw ba yung naghintay para mag break sila ng BF niya pero nung naghiwalay na eh nagdadalawang isip pa siyang piliin ka?


Ikaw ba yung nandyan parati para sa kanya pero pag kailangan mo ng kalinga ay nag ni-night out pa rin siya?


Ikaw ba yung kahit lahat ng bagay ay nagsasabing maghanap ka ng iba, pero hindi ka pa rin nakakabitaw sa kanya?


Ikaw nga...


Ikaw nga and Dakilang TANGA!














(Disclaimer: Hindi ako to ha...hahaha, defensive)

No comments:

Post a Comment