Yan yata ang pinakatumpak na salita para ma describe ang pinagdadaanan namin ni Ahred ngayon. Ilang araw na din kaming walang text...hindi na naguusap pag gabi at hindi man lang nagpaparamdam sa isa't-isa. Kung gaano kami ka-sweet sa isa't isa nung isang linggo...sya namang panlalamig namin nagyong linggo.
Alam ko ang susunod nyong tanong ay...Bakit???
Hayaan nyo...hindi kayo nag-iisa. Ako man ay naguguluhan din kung bakit. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang eksaktong dahilan at bigla nalang nagkaganito. May mga duda ngunit walang sagot akong nakukuha. Baka nagalit siya dahil nahuli akong nakipag cam minsan...baka nagsasawa na siya...baka nakakita na ng iba...baka nag-iisip...baka nakukulitan...baka may tampo...isan daang "baka" pa ang maibibigay ko ngunit hindi ko talaga alam ang totoong rason. Isa lang ang siguradong alam ko...
Nagbago na siya.
Ugali ko talaga ang hindi rin magtanong. Nahihintay na pagsabihan ng ibang tao kung may hinanakit man sila o tampo...siguro nahihiya o ayaw kong marinig ang dapat kong marinig. Andami naming pangako sa isa't isa...maghihintayan....laging andyan para sa sa isa't-isa at ang pagbibigay ng sarili...ngunit tingin ko wala na lahat yun.
Hindi ko man aminin na naapektuhan ako...pilit ko mang iwaglit sa isip ko na nami-miss ko rin kulitan namin at kahit anong panlilinlang ang gawin ko sa sarili na ok lang ang lahat...nasasaktan pa rin ako...at yan ang totoo. Masakit man pero wala na eh. Sa ngayon dapat hindi na balkan pa kung ano man ang nangyari dati....ang mga pangako at ang mga binitiwang salita ng pag-asa at pag-ibig.
Sabi nga nila...minsan sa buhay ay kailangan lang natin tanggapin na may mga bagay talaga na hindi mangyayari kahit gaano pa kaganda sa tingin mo ang magagawa nito sa buhay mo.
Sa tingin ko dito na magtatapos...
....ang sana ay isang pag-ibig...at panaginip.
No comments:
Post a Comment