Friday, September 3, 2010

Ang Byernes. Bow!


Ang Byernes. Bow!

Meron akong nahahalata
Sa akin at kay Pangga
Sa tatlong linggong pagmamahalan
Di maiwasan ang bangayan
Ngunit kung iyong titingnan
May pattern na sinusundan
Na tuwing sasapit and Biyernes
Kami'y nag-aaway at naiinis.

O bakit kay dalas
Ang biyernes ay malas
Sarisaring dahilan
Ang aming away ay nasisimulan
Sana'y palitan ang Byernes
Gawing pangalan nito ay Happiness.
Dahil kapayapaan ang aking dasal
Sapagkat si Pangga ay aking mahal

Ang Byernes. Bow!

( Huwag tumaas ang kilay. Buwan pa ng wika ngayon. Lol)
 

No comments:

Post a Comment