Friday, September 17, 2010

Schoolgirl.


Nadaanan ko pauwi and apat kong babaeng kasamahan sa trabaho.  Naka pang sports attire at dala dala ang mga kanilang badminton rackets.


Baka mag volleyball inisip ko. (tanga mode)

Pinasakay ko na...baka naman kasi walang pamasahe. Tsaka nandoon yung ka flirt ko lagi na si School Girl.


Babae 1: San kayo papunta sir?


Ako: Sa kabilang bayan. Susunduin ko ermats at erpats ko.


Babae 2: Wow, butihing anak talaga.

Ako: Eh syempre, ngayon lang tayo makakabawi sa kanila.


Babae3: Wow sweet mo naman, ang bait bait mo talaga!!!


Ako: Mabait naman talaga ako ah. Si School girl lang naman ang hindi nakaka realize niyan.


Sabay tingin kay Schoolgirl na tahimik lang at nag bublush sa front seat!


Nakoh! Na totomboy na naman ako! Haha.

No comments:

Post a Comment