Saturday, September 25, 2010

Stalker.

Aaamin ko, masarap mang isipin na may naghahabol sa iyo pero nakakatakot din.

Ngayong linggo lang akong nakapagpasyang sumama sa isang trip papuntang Culasi dahil gusto ko muna ng kapayapaan. Ilang buwan ka na niya kasi akong sinusundan, binabantayan at inaakit. Gusto kong magpakalayo muna sa kanya kahit pansamantala lamang. Kahit saglit lang, gusto ko muna siyang kalimutan. Akala ko, sa pagbabakasyon kong ito ay mangyayari lahat ng inaasam ko, ngunit...


Mali.


Nung pagdating namin ay nagpasya agad kaming mag videoke at kumanta. Kinuha ko ang songbook at binuklat. Pagbukas ko...


















Pangalan niya agad ang tumambad sa akin!

Nagsimula na akong kabahan. Bakit hindi nya ako tinantanan. Dali-dalin akong lumabas sa resthouse na tinutuluyan para maninigarilyo sana pero nung naghanap ako ng ashtray...halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita ko...



Siya.

Tuluyan na akong kinabahan at natakot. Tumakbo ako papalayo sa lugar na inakala kong hindi ko na siya makikita pa. Sa sobrang pagod ko ay nauhaw at naghanap ng tubig. Tumigil ako nung papalapit na ako sa isang banga. Ngunit, laking gulat ko nang naghihintay na pala siya sa akin doon.








  




Siya si DICK, ang aking stalker.

Bwahahaha.

No comments:

Post a Comment