Saturday, September 11, 2010

Masarap ang Bawal.


9:46 na sa relos ko at Sabado pa naman pero andito pa rin ako sa bahay, nag-iisa, nalulungkot at walang makakama este makasama pala (nadulas lang pre, kaw talaga).

Simula kasi kagabi may napag usapan na kami ni Pangga na bawal gawin habang hindi pa kami makakapag usap dahil nga kinumpiska ng pulisya este Tito niya ang kanyang cellphone. (hay naku bilhan ko sana ng bago pero ayaw naman. bwahaha. joke lang)

So eto ako kahit di na mabilang ang nag aayang uminom, nag prapraktis mag mongha, malay mo may maging monasteryo ang mga bakla eh di mag aaply agad ako. hhehe.

Eto pa ang ilan sa mga bawal kong gawin:

1. Bawal mag chat! (ayaw nya talaga to kasi sure siyang may makikilala ako dito. hahaha. dito kaya kami nagkakilala.)

2. Bawal lumabas beyond 9:30 pm. (pero kung ako ba papasok sa ibang bahay, counted yun? di naman sa labas yun ah. nyahaha)

3. Bawal makipaglandian sa mga girls...at boys pala (actually una niyang sinabi ang girls lang. natuwa naman ako baka hindi kasali ang boys, pero after 15.65 seconds dinagdag na rin ang boys. haizzzzzzzzz. ahhahaha)

4. Bawal maglasing (sinong lashhhheng? di nama ako lasheeeng ah! umiinom lang akoh pero di ako lasheenggero. bwahahaha)

5. Bawal puyatin sarili sa internet. (eh paano pag di ako mapuyat so ok lang yun? subjective kaya ang pagiging "puyat". hahahaha. palusot pa)

Siguro iniisip nyo na nababagot ako at nasasakal ako sa mga bawal na to...

Mali.

Kahit maraming bawal hindi ko iniintindi lalo na at ginagawa ko to dahil sa MAHAL ko.


Wohoooooo! Mabuhay ang mga in LOVE (at Tanga!). bwahaha.

No comments:

Post a Comment