Tuesday, September 14, 2010

Si Bad Boy.

Totoong picture ni Bad Boy


Cute pero may tinatagong kapilyuhan. Sa unang tingin ay parang napakaamong tupa na kahit lamok ay hindi kakayaning patayin. Normal lang ang pangangatawan at walang kahit na isang hibla ng kamachohan ngunit taglay niya ang nag uumapaw na isang lalakeng-lalakeng kakisigan...dahil sa angkin na kagaguhan!

Siya si Bad Boy.

Una kaming nagkakilala sa birthday party ng aking tiyahin dahil magkapitbahay sila. Walang pansinan kasi di naman kami magkakilala pero sa simula pa man ay nagnanakaw na ako ng tingin. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya, nagmarka na ang pagiging inosente at maamo ng mukha. Hindi siya pala kibo at nasa isang sulok lang pero alam mong nagmamasid lang at nakikiramdam.

Sa bawat mga nakaw na tingin ko sa kanya ay nadadagdagan ang nais ko na siya ay makilala. Sa bawat pagtanaw ko sa inosente nyang mukha ay lalong sumasabog ang puso ko sa kagustuhan na siya man lang ay makausap. Sa bawat pag krus ng aming mga titig ay siya namang pagsusumamo ng aking puso na siya man lang ay maging kaibigan (at matikman. bwahaha)

Binuo ko sa sarili ko ang aking plano. Dapat...at nararapat na sa gabing din iyon magkakilala kami! Tumayo ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa bandang pintuan dahil alam ko na lahat ng tao ay doon talaga dadaan (pag desperado este in love nga naman. char). Naghintay ako at sa isip ko memoryado ko na ang mga linyang bibitiwan ko...mga linyang magbubukas ng mga panibagong kulay sa buhay ko. Ilang sandali pa, tumayo din siya at sinauli ang pinggang pinagkainan. Pumanhik at nagtungo papunta sa akin este pintuan pala. Nung saktong papalabas na siya, pinakilala kami ng pinsan kong kabarkada niya.

“Kuya si Bad Boy pala, yung nasa kabilang bahay”. Inabot ko ang kamay ko at nakipag shake hands. Tinanggap niya ito pero wla pa rin siyang kibo. Ngiti lang ang sinagot niya.

Tumango ako at tinanguan din naman niya ako.

Ako: Pre, alis ka na? Inuman muna tayo?

Nagulat siya sa paanyaya ko.

Bad Boy: Hmmm. Sige pero huwag lang dito kasi nahihiya ako

Ako:  O sige doon tayo sa likod ng bahay. Tayong tatlo lang ng pinsan ko.

Pinabili ko ang pinsan ko ng Tequilla at Vodka habang kaming dalawa ay naghintay sa likod. Hindi siya pala kibo pero nakikipag usap naman pag tinatanong. Mas nakikilala ko na siya unti-unti at ako naman ay hindi nabigo kasi mas lalo akong naadik sa maamo niyang mukha at sa mabango niyang lalakeng-lalakeng body spray (Uy wag nyo akong tingnan ng ganyan, ayaw ko siyang rape-in. Nyahaha).

Alas 9 ng Gabi - Unang Bote ng Tequilla

Nagkakahiyaan pa kami. Normal na kwentuhan ang mga detalye sa bawat buhay. Siya pala ay graduate at registered nurse na. Hindi masyadong dere-deretso ang usapan naming, buti nalang at ang pinsan ko ay ang parang nagiging tulay sa amin kasi nagkakahiyaan pa. Pero dahil madalas din ang pinsan kong umaalis medyo may mga panahon na wala kaming napapag-usapan. Aaminin ko na isa talaga akong conversationalist pero ewan ko ba pag may gusto ako sa isang tao at kaharap ko ito ay nagiging tameme ako (demure effect).  Kadalasan ay may mga ilang segundong tahimik lang kami pero nung patapos na ang isang bote ay medyo nag pipick-up na ang aming kwentuhan.

Alas 10:30 ng Gabi - Ikalawang Bote ng Tequilla

Medyo nakukuha na naming ang loob ng isa’t-isa. Ang akala koy mahiyain ay medyo may tinatago palang kakulitan. Naririnig ko na siyang tumatawa at natatanong. Give and take na kumbaga an gaming usapan. Interesting naman pala at may tinatagong katalinuhan ang loko. Nakasakay na sa mga birada kong panloloko. Madaldal siya lalo nung nalaman niya kung saan ako nagtratrabaho. Medyo nag open up na din siya. Nagkakatuwaan sa mga kwentong kahalayan at kalibugan. Puro mga babae ang paksa at ang pagiging playboy ng isat-isa ang laging napagtritripan. (O, ibagsak na ang mga kilay sis. Tumitikim din naman ako ng pekpekmons, masarap kaya yun. Exotic.  haha)

Alas 12:00 ng Gabi - Vodka

Magulo na kami. Naghahampasan na ng mag palad habang nagpapataasan ng ihi sa mga kwento. Tuksuhan na at walang sawang tawanan. Hagikgikan at sabay pabirong nagsusuntukan. Para kming mga batang mag bestfriends. Kasabay ng pagiging palagayan ng loob sa isat-isa ay siya namang pagkahulog na ng tuluyan ng loob ko sa kanya. Sobra na kaming nagkokonekt sa isa’t isa at kahit tinginan na lang ay alam na naming ang ibig sabihin. Dito na rin lumabas ang totoong bad boy na nagtatago sa likod ng maamong mukha. Bumunot siya ng isang stick at naninigarilyo. Panay na rin ang bato ng mga double meaning na jokes at nagmumura pa. Nailahad na din ang mga kapilyuhang ginawa at planong gagawin pa. Malayong-malayo ang naging personalidad niya sa mala anghel na lalake nung una ko siyang nakita. Lalong lumakas ang dating niya...lalo akong napaibig sa kanya ngunit sa puntong ito ay may kasamang kalibugan na.

Ala 1:30 ng Umaga -  Red Horse

Ubos na ang pinabili kong inumin ngunit parang hindi pa kami sawa sa pagkukwento at pang-aasar sa isa’t isa. Gusto lang naming ang makapiling ang isa’t isa sa buong magdamag na para bang wala nang bukas. Kaming dalawa nalang ang naiwan kasi tinulugan na kami ng pinsan ko. Nag-aya siya na bumili kami ng Red Horse para pang washing. Isang bote ang aming binili para pampatulog lang. Sa puntong ito ay medyo lasing na kaming dalawa. Napagpasyahan naming hindi na kami bumalik pa sa bahay ng aking Tita at pumwesto nalang sa madilim na plaza para doon ipagpatuloy ang inuman...ang kulitan...at ang harutan. Dito na ako nagsimulang baybayin ang maliit na linyang naghahati sa pagiging palakaibigan at pagiging mapaglaro. Inudyukan na ako ng ispiritu ng alak para tahakin ang daan ng panunukso...

Habang magkatabi kaming umupo sa damuhan.

Ako: Pare, kung nagging babae ako, papatulan na talaga kita. Haha

Bad Boy: Loko! Bakit pa kailangang maging babae ka. Patulan na natin isa’t isa. Gwapo ako at gwapo ka din. Inggitin natin mga babae tol. Haha

Ako: Tama! Di ba pre, hindi naman bakla ang paghahalik sa kapwa lalake?. Nyahaha. Tang ina na ‘to

Bad Boy: Oo naman! Trip lang ang tawag dun.Pre, pa kiss. Hahahahaha.

Ako: Haha. Ulol ka talaga!  

Tumawa kami at nagtulakan. Sabay kaming napahiga. Napatingin sa kalangitan.

Inakbayan niya ako.

Habang nakaakbay siya sabay kaming napatingin sa isa’t-isa.

Natahimik. Nakikiramam.

Sa gitna ng dilim, nagkatitigan kami. Damang dama ko ang kaba naming dalawa.

Hinawakan niya mukha ko at napahawak naman ako sa balikat niya.

Sa kalagitnaan ng Gabi...isang bawal ang nangyari.

3 comments: